Friday, October 16, 2009

Diptonggo

Ang diptonggo ay binubuo ng isang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.

Halimbawa: buhay, sayaw, araw, layaw, reyna

Samantala, ang mga sumusunod ay hindi mga diptonggo dahil hindi magkasama sa isang pantig ang patinig na sinusundan ng Y o W: matiwasay, aliwan, talakayan

Ang mga sumusunod ay hindi rin diptonggo sapagkat nauuna ang W o Y kaysa sa patinig: welga, yapos, wakas

2 comments:

  1. mahirap naman maintindihan ito..sabi sa aklat ng aking anak ang diptonggo ay mga salita sa Filipino na "nagtatapos"....kaya nagtaka ako bakit ang salitang "reyna" ay isang diptonggo? At bakit ang salitang "matiwasay" ay hindi isang diptonggo gayong ang ma+ti+wa+say ay kaugnay naman ng kahulugan na ibinigay para sa isang diptonggo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa salitang "matiwasay", ang tinutukoy na hindi diptonggo ay ang "w". bagama't magkasunod ang patinig na i at w, hindi sila magkasama sa iisang pantig. sana po'y nakapagbigay ito ng linaw. :)

      Delete

Share it