Sunday, October 18, 2009

Palapantigan

Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa pmamamagitan ng isang bugso ng tinig.  Bawat pantig ay naglalaman ng patinig.  Ang katumbas nito sa wikang Ingles ay syllable.

Mga Pormasyon ng Pantig:
1.  P - tinatawag na payak, ito ay binubuo ng isang pantig lamang.
Halimbawa: o-ras, pa-a, i-sip, mag-a-a-ral

2. KP - tinatawag na tambal una (kung saan una ang katinig), ito ay binubuo ng isang katinig na sinusundan ng isang patinig.
Halimbawa: ka-sa-ma, mo, sim-ba-han, ba-nga (tandaan na sa alpabetong filipino, ang NG ay isang titik lamang)

3. PK - tinatawag na tambal huli (kung saan nasa huli ang katinig), ito ay binubuo ng isang patinig na sinusundan ng isang katinig.
Halimbawa: ak-si-den-te, it-log, im-bes-ti-ga-dor, ta-on

4.  KPK - tinatawag na kabilaan, ang pantig na ito ay binubuo ng isang patinig na may kasamang katinig sa unahan at sa hulihan.
Halimbawa: sa-man-ta-la, hin-tay, mag-a-ral, dam-da-min

5.  KKP - tinatawag na klaster-patinig, ito ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig at isang patinig sa hulihan.
Halimbawa: ka-kla-se, pla-no, gra-sa, plo-re-ra

6. PKK - tinatawag na patinig-klaster, ito ay binubuo ng isang pantig at dalawang magkasunod na katinig.
Halimbawa: ins-pek-tor, eks-per-to, ins-tru-men-to

7.  KKPK - tinatawag na klaster-patinig-katinig, ang pantig ay binubuo ng isang kambal katinig sa unahan, isang patinig at isang katinig sa hulihan.
Halimbawa: trak, kwin-tas, prin-si-pe, ak-syon

8.  KPKK - tinatawag na katinig-patinig-klaster, ang pantig ay binubuo ng isang katinig, isang patinig, at isang kambal katinig sa hulihan.
Halimbawa: nars

9. KKPKK - tinatawag na klaster-patinig-klaster, ang panting ay binubuo ng isang kambal katinig sa unahan, isang patinig at isa pang kambal katinig sa hulihan.
Halimbawa: trans-por-tas-yon

Friday, October 16, 2009

Diptonggo

Ang diptonggo ay binubuo ng isang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.

Halimbawa: buhay, sayaw, araw, layaw, reyna

Samantala, ang mga sumusunod ay hindi mga diptonggo dahil hindi magkasama sa isang pantig ang patinig na sinusundan ng Y o W: matiwasay, aliwan, talakayan

Ang mga sumusunod ay hindi rin diptonggo sapagkat nauuna ang W o Y kaysa sa patinig: welga, yapos, wakas

Patinig at Katinig

May 5 patinig sa Alpabetong Filipino.  Ang mga ito ay A, E, I, O, U.  Ito ang katumbas ng vowels sa wikang Ingles.

Ang mga natirang titik ay tinatawag namang katinig.  Ito ang katumbas ng consonants sa wikang Ingles.

Gamit ng 8 dagdag na titik sa bagong Alpabetong Filipino

Mula sa lumang alpabetong Pilipino, walong titik ang idinagdag. Ang mga ito ay C, F, J, Ñ, Q, V, W, X, Y, Z.

Ang mga titik na ito ay ginagamit para sa mga sumusunod:

1. Pangngalang pantangi ng tao, hayop, bagay o pook. Halimbawa: Carlos, Vicente, Santo Niño, Lungsod ng Quezon

2. Mga katutubong salita mula sa dialekto ng bansa. Halimbawa: hacienda, villa, hadji (lalaking Muslim na nakarating sa Mecca), cañao (sayaw ng mga Igorot)

3. Mga salitang banyaga/hiram na walang katumbas sa Filipino. Halimbawa, calcium, software, xerox, jazz

Pagsasanay: Magbigay ng mga salitang ginagamitan ng alinman sa nadagdag na walong letra.

Alpabetong Filipino

Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik:

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz

Ang pagbigkas sa mga titik na ito ay ayon sa bigkas-Ingles, maliban sa Ñ na binibigkas na /enye/ tulad ng sa alpabetong Kastila.

The Filipino alphabet consists of the 28 letters listed above. Each letter is pronounced the in the same way they are read in English, except for Ñ which is pronounced as /enye/, as in the Spanish alphabet.