Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa pmamamagitan ng isang bugso ng tinig. Bawat pantig ay naglalaman ng patinig. Ang katumbas nito sa wikang Ingles ay syllable.
Mga Pormasyon ng Pantig:
1. P - tinatawag na payak, ito ay binubuo ng isang pantig lamang.
Halimbawa: o-ras, pa-a, i-sip, mag-a-a-ral
2. KP - tinatawag na tambal una (kung saan una ang katinig), ito ay binubuo ng isang katinig na sinusundan ng isang patinig.
Halimbawa: ka-sa-ma, mo, sim-ba-han, ba-nga (tandaan na sa alpabetong filipino, ang NG ay isang titik lamang)
3. PK - tinatawag na tambal huli (kung saan nasa huli ang katinig), ito ay binubuo ng isang patinig na sinusundan ng isang katinig.
Halimbawa: ak-si-den-te, it-log, im-bes-ti-ga-dor, ta-on
4. KPK - tinatawag na kabilaan, ang pantig na ito ay binubuo ng isang patinig na may kasamang katinig sa unahan at sa hulihan.
Halimbawa: sa-man-ta-la, hin-tay, mag-a-ral, dam-da-min
5. KKP - tinatawag na klaster-patinig, ito ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig at isang patinig sa hulihan.
Halimbawa: ka-kla-se, pla-no, gra-sa, plo-re-ra
6. PKK - tinatawag na patinig-klaster, ito ay binubuo ng isang pantig at dalawang magkasunod na katinig.
Halimbawa: ins-pek-tor, eks-per-to, ins-tru-men-to
7. KKPK - tinatawag na klaster-patinig-katinig, ang pantig ay binubuo ng isang kambal katinig sa unahan, isang patinig at isang katinig sa hulihan.
Halimbawa: trak, kwin-tas, prin-si-pe, ak-syon
8. KPKK - tinatawag na katinig-patinig-klaster, ang pantig ay binubuo ng isang katinig, isang patinig, at isang kambal katinig sa hulihan.
Halimbawa: nars
9. KKPKK - tinatawag na klaster-patinig-klaster, ang panting ay binubuo ng isang kambal katinig sa unahan, isang patinig at isa pang kambal katinig sa hulihan.
Halimbawa: trans-por-tas-yon
Layunin ng FilipinoHomework ang makatulong sa mga mag-aaral ng asignaturang Filipino, at sa kanilang mga magulang at mga guro. Matatagpuan sa website na ito ang iba’t ibang leksiyon sa Filipino at mga maiikling seatwork, pagsasanay at pagsusulit upang lalong mapagtibay ang mga natutunang konsepto.
Showing posts with label patinig. Show all posts
Showing posts with label patinig. Show all posts
Sunday, October 18, 2009
Friday, October 16, 2009
Diptonggo
Ang diptonggo ay binubuo ng isang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.
Halimbawa: buhay, sayaw, araw, layaw, reyna
Samantala, ang mga sumusunod ay hindi mga diptonggo dahil hindi magkasama sa isang pantig ang patinig na sinusundan ng Y o W: matiwasay, aliwan, talakayan
Ang mga sumusunod ay hindi rin diptonggo sapagkat nauuna ang W o Y kaysa sa patinig: welga, yapos, wakas
Halimbawa: buhay, sayaw, araw, layaw, reyna
Samantala, ang mga sumusunod ay hindi mga diptonggo dahil hindi magkasama sa isang pantig ang patinig na sinusundan ng Y o W: matiwasay, aliwan, talakayan
Ang mga sumusunod ay hindi rin diptonggo sapagkat nauuna ang W o Y kaysa sa patinig: welga, yapos, wakas
Patinig at Katinig
May 5 patinig sa Alpabetong Filipino. Ang mga ito ay A, E, I, O, U. Ito ang katumbas ng vowels sa wikang Ingles.
Ang mga natirang titik ay tinatawag namang katinig. Ito ang katumbas ng consonants sa wikang Ingles.
Ang mga natirang titik ay tinatawag namang katinig. Ito ang katumbas ng consonants sa wikang Ingles.
Subscribe to:
Posts (Atom)