Ang diptonggo ay binubuo ng isang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.
Halimbawa: buhay, sayaw, araw, layaw, reyna
Samantala, ang mga sumusunod ay hindi mga diptonggo dahil hindi magkasama sa isang pantig ang patinig na sinusundan ng Y o W: matiwasay, aliwan, talakayan
Ang mga sumusunod ay hindi rin diptonggo sapagkat nauuna ang W o Y kaysa sa patinig: welga, yapos, wakas
Mula sa lumang alpabetong Pilipino, walong titik ang idinagdag. Ang mga ito ay C, F, J, Ñ, Q, V, W, X, Y, Z.
Ang mga titik na ito ay ginagamit para sa mga sumusunod:
1. Pangngalang pantangi ng tao, hayop, bagay o pook. Halimbawa: Carlos, Vicente, Santo Niño, Lungsod ng Quezon
2. Mga katutubong salita mula sa dialekto ng bansa. Halimbawa: hacienda, villa, hadji (lalaking Muslim na nakarating sa Mecca), cañao (sayaw ng mga Igorot)
3. Mga salitang banyaga/hiram na walang katumbas sa Filipino. Halimbawa, calcium, software, xerox, jazz
Pagsasanay: Magbigay ng mga salitang ginagamitan ng alinman sa nadagdag na walong letra.