Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa pmamamagitan ng isang bugso ng tinig. Bawat pantig ay naglalaman ng patinig. Ang katumbas nito sa wikang Ingles ay syllable.
Mga Pormasyon ng Pantig:
1. P - tinatawag na payak, ito ay binubuo ng isang pantig lamang.
Halimbawa: o-ras, pa-a, i-sip, mag-a-a-ral
2. KP - tinatawag na tambal una (kung saan una ang katinig), ito ay binubuo ng isang katinig na sinusundan ng isang patinig.
Halimbawa: ka-sa-ma, mo, sim-ba-han, ba-nga (tandaan na sa alpabetong filipino, ang NG ay isang titik lamang)
3. PK - tinatawag na tambal huli (kung saan nasa huli ang katinig), ito ay binubuo ng isang patinig na sinusundan ng isang katinig.
Halimbawa: ak-si-den-te, it-log, im-bes-ti-ga-dor, ta-on
4. KPK - tinatawag na kabilaan, ang pantig na ito ay binubuo ng isang patinig na may kasamang katinig sa unahan at sa hulihan.
Halimbawa: sa-man-ta-la, hin-tay, mag-a-ral, dam-da-min
5. KKP - tinatawag na klaster-patinig, ito ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig at isang patinig sa hulihan.
Halimbawa: ka-kla-se, pla-no, gra-sa, plo-re-ra
6. PKK - tinatawag na patinig-klaster, ito ay binubuo ng isang pantig at dalawang magkasunod na katinig.
Halimbawa: ins-pek-tor, eks-per-to, ins-tru-men-to
7. KKPK - tinatawag na klaster-patinig-katinig, ang pantig ay binubuo ng isang kambal katinig sa unahan, isang patinig at isang katinig sa hulihan.
Halimbawa: trak, kwin-tas, prin-si-pe, ak-syon
8. KPKK - tinatawag na katinig-patinig-klaster, ang pantig ay binubuo ng isang katinig, isang patinig, at isang kambal katinig sa hulihan.
Halimbawa: nars
9. KKPKK - tinatawag na klaster-patinig-klaster, ang panting ay binubuo ng isang kambal katinig sa unahan, isang patinig at isa pang kambal katinig sa hulihan.
Halimbawa: trans-por-tas-yon
Mula sa lumang alpabetong Pilipino, walong titik ang idinagdag. Ang mga ito ay C, F, J, Ñ, Q, V, W, X, Y, Z.
Ang mga titik na ito ay ginagamit para sa mga sumusunod:
1. Pangngalang pantangi ng tao, hayop, bagay o pook. Halimbawa: Carlos, Vicente, Santo Niño, Lungsod ng Quezon
2. Mga katutubong salita mula sa dialekto ng bansa. Halimbawa: hacienda, villa, hadji (lalaking Muslim na nakarating sa Mecca), cañao (sayaw ng mga Igorot)
3. Mga salitang banyaga/hiram na walang katumbas sa Filipino. Halimbawa, calcium, software, xerox, jazz
Pagsasanay: Magbigay ng mga salitang ginagamitan ng alinman sa nadagdag na walong letra.